Ang Dating Daan Special Report

 


Transcript

1 of 2


Special Report

Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!  (Awit 107:15)


Dahil sa mga kabutihan at kagandahang-loob na patuloy na tinatanggap sa kanilang mga buhay, maligayang naghandog ang Bayan ng Dios ng kanilang mga haing papuri at pasasalamat sa Panginoon.

Kabilang sa mga naghandog ng kanilang haing Pagpapasalamat ay ang mga bagong nabautismuhan sa ginanap na Mass Baptism sa ADD Convention Center, Apalit, Pampanga.

Bro. Ismael Cadis (Former Catholic Member): Nakapakinig ako sa TV at doon ko po nakilala si Brother, si Bro. Eli po. Dun ko po siya nakilala sa pakikinig ng TV. Ang masasabi ko po sa kaniya, lahat … naaayon sa kasulatan  sa Biblia po. Yun lang po ang masasabi ko sa kaniya kaya po ako napunta dito dahil naramdaman kong tama po yung mga sinasabi niya. Ang pagkakaiba po eh ano, sa iba pong mangangaral hindi po nila ipinaliliwanag ng husto sa amin yung ano po ba ang bawat ng ano sa Biblia, basta ang kanila lang po sila lang po, sarili lang nila wala ho sa Biblia dun lang, yun lang ang malaking pagkakaiba sa pagpapaliwanag niya po sa amin. Kaya mas naiintindihan po naming kasi malinaw na malinaw naman po yung sinasabi niya na lahat po ay nababasa sa Biblia kaya ko po nagustuhan. Inaanyayahan ko po yung mga lalo na po yung sa mga taga-Antipolo at sa buong Pilipinas po na sana po pakinggan ninyo po ang aral ni Bro. Eli na ituturo po sa atin, pakinggan niyo po para malaman kung totoo o hindi po.

Bro. Raul Dilyera (Former Born-Again Member): Nakilala ko si Kapatid na Eli nung one time na nanonood ako ng TV. Palipat-lipat ako ng channel, then at that time na napanood ko siya. Sabi ko, ‘mapanood nga ito, nagsasalita siya ng mga talata sa Biblia.’ Nung time na yon nakatira ako s Cavite. That’s the time na nagstart ako na mapanood ko siya minsan, na para bang nasiyahan ako ng panonood lagi sa kaniya. Lagi ko siyang pinapanood tuwing may ano siya sa TV. Bilang mangangaral, si Bro. Eli masasabi kong parang ano siya eh, binigyan ng Espiritu ng Dios eh na ano talaga eh, makapagturo at makapang-akit ng ano eh mga kaluluwa eh. Talagang sa lahat ng mangangaral na nakilala ko at napakinggan ko, naiiba talaga si Bro. Eli. Talagang maski sa magulang ko, sa mga kapatid ko, ‘sinasabi ko subukan niyong makinig at subukan niyong manood para malaman ninyo kung ano ang totoo’, kasi sa pakikinig ko kay Bro. Eli talagang na ano ko kung ano talagang totoong utos na iniuutos ang Dios. Sa kaniya ko lang talaga na ano yon sa dami ng napagdaanan kong inattenand ko kung saan saan. Malaki talaga ang pagkakaiba sa ano, malaki! Dahil don sa ibang mangangaral, matagal na kong umaatttend halos wala akong natutunan eh. Kay Bro. Eli lang makinig ka ng isang linggo ang dami mo ng alam, sigurado yon. Natuto akong ano eh, magpakumbaba para bang tinuruan niya ako, lalung-lalo na sa Doktrina niya, naituro niya lahat sa akin ang ano eh, kung papaano baguhin talaga ang puso mo kung papaano lilinisin, talagang ano, iba. Nagpapasalamat ako sa Dios, unang una nga sa Dios eh no, tsaka na rin kay Bro. Eli, siya ang naging tulay talaga eh na mapunta ako dito, para makilala ko ang totoo. Para kay Kapatid na Eli Soriano, at kay Kapatid na Daniel Razon, sana’y ipagpatuloy ninyo ang magandang Gawa at ahh makapagsalba pa kayo ng maraming kaluluwa.

2 of 2

Sis. Shirley Morales (Former Catholic Member): Ah, bale ang masasabi ko sa dati kong buhay yung para bang magulo, may kulang, at siguro ano sa mga natutunan ko ngaun parang narealize ko na napakarami palang mali at masama sa mata ng Panginoon. Nakilala ko po si Kapatid na Eli sa pamamagitan ng radyo, sa telebisyon, tsaka sa ano sa internet, don ko po siya nakilala at don po ako nakakapakinig at nakakapanood ng mga programa niya. Masasabi ko po kay Kapatid na Eli Soriano bilang Mangangaral, sa akin pong paniniwala eh siya po ay isang Sugo or kasangkapan ng Dios para ipakita o ipangaral ang totoong aral na mula sa Biblia. At matutunan ng mga tao yung mga maling gawa nila sa mga sa kani-kanilang mga relihiyon. Naku ang pagkakaiba po ni Kapatid na Eli eh napakalaki po! Dahil unang-una yung mga aral niya sa Biblia, sa dati ko pong relihiyon eh hindi naman ganon ang pag-aaral ng Salita ng Dios. Bibigyan ka lang ng isang phrase o ng isang sentence eh tapus na. Kay Bro. Eli magtatanong ka, sobra sobra pa yung sagot na ibibigay atsaka talagang maliliwanagan ka sa mga sagot niya na halos lahat ng katanungan tungkol sa pananampalataya eh matututunan mo sa kaniya at maliliwanagan ka talaga. Nung napakinggan ko si Bro. Eli eh napakaraming nabago sa buhay ko. Unang-una, sa pananampalataya, siguro masasabi ko mas lalong lumalim, at naging totoo dahil nuon, ah dibaleng gumawa ka lang kung ano-ano sa paniniwala mo eh. Eh ngayon, nalaman ko na mali pala! Tsaka kaya naliwanagan ako nang sobra sobra dahil kay Kapatid na Eli Soriano. Salamat sa Dios at nakilala ko siya , napanood ko yung mga programa niya kung hindi baka isa pa rin akong ligaw na kaluluwa hanggang ngayon. Ang ipinagpapasalamat ko sa Dios dahil nga naanib na ko sa totoong relihiyon, yung alam ko na ikatutubos ng aking kaluluwa, ng aking kasalanan dahil sa tulong at awa at gabay ng Dios sa pamamagitan ni Bro. Eli Soriano at ni Bro. Daniel Razon eh naliwanagan na yung aking maraming katanungan at alam ko na talagang ang sinasamba ko eh yung totoong Dios na buhay. Ang mensahe ko po kay Kapatid na Eli Soriano at kay Bro. Daniel Razon ay nawa’y palawigin pa ng Dios ang inyong buhay, bigyan pa kayo ng lakas para mapatuloy ang paglilingkod at totoong pangangaral ng Salita ng Dios sa buong… masasabi ko sa buong mundo! Dahil alam ko na maraming tao ang nangangailangan ng turo at tototong aral at gabay na mula sa salita ng Biblia. Ah mga kababayan ko dito sa Pilipinas at sa buong mundo, inaanyayahan ko po kayong manood sa` UNTV channel 37 sa TOP Channel, Channel 10 at sa mga email, at website ni Kapatid na Eli Soriano na upang matutunan ninyo, mabigyan kayo ng totoong aral na mula sa Dios.

Ang pangunahing dahil ng pagpapasalamat  ng Bayan ng Dios ay ang mga katwirang patuloy Niyang pinabubukal sa Kaniyang Bayan sa pamamagitan ng dalawang lalaking Kaniyang isinugo sa mga huling kapanahunang ito.

Bro. Daniel Razon: Naiintindihan natin na may Dios na siyang gumagawa sa ating mga buhay. Na nagiging dahilan kung bakit naman tayo nakapagpapatuloy ng ating mga paglilingkod. Lahat ng bagay ay akin ngang wikang magagawa doon sa nagpapapalakas sa akin. In-acknowledge ng Apostol na si Pablo na utang natin ang lahat ng mga bagay sa Dios na Siyang nagbibigay sa atin ng mabubuting pagkakataon, nagbibigay sa atin ng buhay, nagbibigay sa atin ng lahat ng mga bagay.

Bro. Eli Soriano: Bakit hindi na kailangan ng Espiritu Santo na suguin Niya? E mismong Siya na nga ang kasama eh, eh yung Espiritu Santo’y bahagi Niya yun eh. E di andon na sa Kaniya yon.

Sis. Luz Cruz: Amen po!

Bro. Eli Soriano: Eh Siya na mismo yung andon, eh kasama mo na Siya, ang sabi ni San Juan Tabernakulo ng Dios nasa mga tao, Siya’y mananahan sa kanila. O eh, pagka mananahan na ang Dios sa iyo, hindi na Niya kailangang paalisin pa yung Espiritu Santo Niya sa Kaniya sapagka’t nasa Kaniya na yon, sa Kaniyang kabuoan yung Ama. E pag kasama mo na Siya, e dito naman sa lupa di naman Siya personal na kasama eh. Ang kasama mo dito yung Espiritu Niya na isinusugo Niya diba?

Sis. Luz Cruz: Opo

Bro. Eli Soriano: E kung andon ka na sa langit bakit naman susuguin pa Niya yung Espiritu eh Siya na nga mismo yon diba? Bahagi nga Niya kasi yung Espiritu eh. Diba? Pagsinabing Espiritu ng Dios, bahagi ng Dios yon.

Sis. Luz Cruz: Sa mga kabutihang ito, ang tanging maihahandog ng Iyong Bayan Ama, ay ang bunga ng aming mga labi na pumupuri at nagpapasalamat sa Iyong Marangal na Pangalan. Salamat sa Dios sa Kaniyang kaloob na hindi masayod!

Spread this on twitter: http://bit.ly/9SVfxD

Ang Dating Daan Bible Exposition: December 8, 2009 / 6:00 PM

Kyongido Uijungbu 3
Dong 167-17, South Korea
Contact No.: 0102536251

Ang Dating Daan Coordinating Center,
Purok 6A, Brgy. Hinaplanon,
Tambo Hi-way, Iligan City
Contact No.: 09284585960, (063)2255177

JJ’s Tubigon Foodstream Restaurant,
2nd Flr. Tubigon Commercial Complex
Contact No.: 09053169260

Ang Dating Daan Coordinating Center,
#245 E. Aguinaldo Hi-way,
Biga 2, Silang, Cavite
Contact No.: 09228982660

Ang Dating Daan Coordinating Center,
Villa Lolita, Sitio Bangiad,
Brgy. San Juan, Taytay, Rizal
Contact No.: 09228568637

#18-A1 Westbank Road,
Jabson St., Rosario, Pasig City
Contact No.: 09228196038

Ang Dating Daan Coordinating Center
Abar 1st Christian Ville Subd.,
San Jose City, Nueva Ecija
Contact No.: 09232512615

Bible Exposition-November 24, 2009

Kayo po ay malugod naming inaanyayahan sa Bible Exposition sa ika-24 ng Nobyembre, 2009.
6:00 PM

ADD 3rd Flr., Jems Bldg.
Zabarte, Camarin, Caloocan City
Contact No.: 09228668946, 09238291017

Ang Dating Daan Coordinating Center
Gapan-Olongapo Road,
San Antonio, Guagua, Pampanga
Contact No.: 09236300985, 09173802147

Benito Pillar Yao Social Hall
(Lucban Municipal Hall),
Lucban, Quezon
Contact No.:09228878382

Lopez Quezon Credit Cooperative Hall,
Brgy. Talolong, Lopez, Quezon
Contact No.: 09187889075

3rd Flr. Jacman Bldg.,
Gonzaga St., Bacolod City
Contact No.: 09061005487, 09069185116

Villa Merced Hotel,
A. Bonifacio St., Mati City,
Davao Oriental
Contact No.: 09218546077

Shanghai Lane 139 Wubao Road Qibao,
Bldg. 1 Room 402 Minhang Dist.,
Shanghai, China
Contact No.: (00)862164195007

Imbitado ka sa Shangri-La Bible Exposition

Inaanyayahan po namin kayong dumalo sa aming gaganaping Ang Dating Daan Bible Exposition sa darating na ika-3 ng Abril. Ito po ay gaganapin sa Isla Ballroom, EDSA Shangri-La, Ortigas Center Mandaluyong City at magpapasimula sa ganap na alas-sais ng gabi.